MIAA, nag-inspeksyon sa NAIA terminals para sa darating na Holy Week

By Angellic Jordan April 08, 2019 - 05:10 PM

Nagsagawa ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng inspeksyon sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal, ito ay para suriin ang paghahanda ng mga airport personnel sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na Holy Week.

Kuntento naman si Monreal sa sitwasyon sa NAIA Terminal 3 kung saan kakaunti pa ang mga pasahero.

Pinaigting ang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019 para matiyak ang ligtas at maayos na operasyon sa lahat ng paliparan sa bansa.

Pinaalalahanan naman ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan sa paliparan.

TAGS: Holy Week, inspeksyon, MIAA, NAIA, Holy Week, inspeksyon, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.