3 patay, 8 sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Quezon
Patay ang tatlo habang sugatan naman ang walong iba pa sa dalawang aksidente sa probinsya ng Quezon.
Sa ulat ng Quezon police, bumangga ang isang Mitsubishi Canter van sa isang Legaspi St. Jude bus makaraang mag-overtake sa isang sasakyan sa Maharlika Highway sa Barangay Marilag bandang 11:45, Linggo ng gabi.
Dead on the spot ang drayber ng van na si Lydio Bautista habang sugatan naman sa sakay nito na si Joewyne Millamina Magallon.
Maliban dito, sugatan din ang drayber ng bus at limang pasahero nito.
Dinala naman ang mga sugatan sa Magsaysay Hospital sa bayan ng Lopez. Sa Tagkawayan, minamaneho ng Indian businessman na si Ripandeep Seng Maan, 28-anyos, ang kaniyang motorsiklo sa Quirino Highway nang aksidente bumangga sa isang bus sa Barangay Poblacion dakong 7:30, Linggo ng gabi.
Nasawi si Maan habang dinadala sa Ma. Lourdes Eleazar Memorial District Hospital. Batay sa ulat, okupado ng biktima ang kabilang lane na naging dahilan ng aksidente.
Samantala, dead-on-arrival sa ospital si Marlon Mercado matapos itong mabangga ang sinasakyang motorsiklo ng isang Toyota Fortuner sa Quirino Highway sa Barangay Sta. Monica bandang 9:30, Lunes ng umaga.
Matindi naman ang tinamong sugat ng angkas nito na si Mervin Mercado.
Nasa kabilang lane ang drayber ng Fortuner na si Emiliano Bonoso dahilan para mabangga ang motorsiklo.
Sa ngayon, si Bonoso ay nasa kustodiya na ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.