Kasong graft ni ex-DENR Sec. Lopez, ibinasura ng Ombudsman
Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong graft laban kay dating Environment Secretary Gina Lopez dahil sa umano’y pagtanggap nito ng regalo mula sa isang renewable energy firm.
Sa 10-pahinang resolusyon, sinabi ng Ombudsman na hindi maituturing na pagtanggap ng regalo ang biyahe ni Lopez sa France noong 2016 para sa wastewater projects sa Paris.
Ayon sa Ombudsman, kulang ang nakikitang probable cause sa kaso dahil aprubado ito ng Office of the President para sa plano ng gobyerno na i-rehabilitate ang Pasig River.
Inihain ni dating Ecoglobal Inc. Business Development Officer Viena Tañada ang graft case laban kay Lopez noong March 16, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.