2 umano’y NPA member, patay sa engkwentro sa Masbate

By Angellic Jordan April 08, 2019 - 02:38 PM

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Mandaon, Masbate Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa militar, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at Masbate Police katuwang ang 2nd Infantry Battalion sa bahagi ng Barangay Puri dakong 1:55 ng madaling-araw.

Nasa pitong rebelde ang kabilang sa limang minutong bakbakan.

Dinala ang mga katawan ng dalawang napatay na rebelde sa lokal na pulisya.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle at isang caliber .45 pistol.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng militar sa mga aktibidad ng mga komunistang rebelde sa lugar.

TAGS: dalawa patay, Masbate, NPA, rebelde, dalawa patay, Masbate, NPA, rebelde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.