2 lalaki, arestado matapos suntukin ang traffic enforcer sa Valenzuela City

By Angellic Jordan April 08, 2019 - 02:30 PM

Arestado ang dalawang katao makaraang suntukin ang isang traffic enforcer sa MacArthur Highway sa Valenzuela City.

Ayon sa Northern Police District (NPD), nadatnan ng traffic enforcer na si Leonardo Lim, 37-anyos, ang mga suspek na sina Earvin Ray Mariano, 23-anyos, at Michael Earl Guevarra, 27-anyos, na nakikipag-away sa isang drayber ng puting Mitsubishi Pajero sa Malanday, Valenzuela.

Sinabi ni Lim na sinubukan niyang ayusin ang gulo ng dalawang panig.

Ngunit, habang kausap ni Lim ang dalawa, biglang humarurot paalis ang lalaking nakasakay sa Pajero.

Dito na nagalit ang dalawa kay Lim at sinabing intensyon nitong makatakas ang lalaking nakasakay sa Pajero.

Pinagsusuntok ng dalawa si Lim kung saan tinamaan pa sa tenga.

Nakita ng isa pang traffic enforcer na si Alvin Nastor, 38-anyos, ang insidente at agad ipinagbigay-alam sa Police Community Precinct-6.

Sa ngayon, sina Mariano at Guevarra ay nasa kustodiya ng Valenzuela police at mahaharap sa kasong physical injury at direct assault upon agent in authority.

TAGS: 2 lalaki, binugbog, traffic enforcer, Valenzuela City, 2 lalaki, binugbog, traffic enforcer, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.