Sen. Koko Pimentel gustong ipagbawal ang pag-‘hostage’ ng mga ospital at punerarya sa labi ng mga muslim
Naghain ng panukala si Senator Koko Pimentel III na magbabawal sa mga ospital, klinika, punerarya at morgue na ipitin ang labi ng isang muslim dahil sa kabiguan na magbayad ng mga naulila sa serbisyo.
Ito ayon kay Pimentel ay para masunod ang kaugalian ng mga Muslim na mailibing ang kanilang patay sa loob ng 24 oras.
Aniya may paniniwala ang mga muslim na magiging aligaga ang kaluluwa ng isang namatay kundi ito maililibing bago ang susunod nilang pagdarasal.
Sinabi pa ni Pimentel na dapat ay payagan ng maiuwi ang bangkay kahit promissory note lang ang hawak ng mga naulila at ang garantiya ay maaring makuha sa SSS, GSIS o Philhealth kung ang namatay ay miyembro ng anuman sa nasabing tatlong ahensiya.
Kung mahirap naman aniya ang namatay ay maari itong humingi ng promissory note mula sa DSWD.
Ang lalabag ay maaring pagmultahin ng hindi bababa sa P20,000 hanggang P50,000 at maari din makulong ng isang buwan hanggang anim na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.