Pagsisikip ng traffic sa Metro Manila, mas titindi sa mga susunod na araw

By Ricky Brozas April 08, 2019 - 10:01 AM

Asahan na ang pagbigat o pagkakaroon ng buhul-buhol na daloy ng mga sasakyan sa susunod na mga araw.

Sa weekly forum na Balitaan sa Maynila, sinabi ni Undersecretary Bert Suansing ng Toll Regulatory Board at secretary general ng Philippine Global Safety Partnership, na dahil ito sa papainit na papainit na pangangampanya ng mga kandidato sa May 13, 2019 national and local elections.

Hinimok ni Suansing ang mga motorista at mga mananakay na tiisin na lang muna ang mararanasang trapiko dulot ng mga caravan at iba pang political activities na tatagal ng halos 40 araw na lamang.

Sabi pa ni Suansing, hindi naman panghabang-panahon ang halalan at ito ay matatapos din.

Naniniwala ang opisyal na may mga preparasyon na rin na ilalatag ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng pulisya at MMDA upang mapaayos ang trapiko sa Metro Manila sa panahon ng pangangampanya.

TAGS: campaign, Local elections, Metro Manila, metro traffic, campaign, Local elections, Metro Manila, metro traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.