DOTr nagbabala sa ‘di otorisadong paggamit ng logo ng mga tanggapan ng gobyerno
Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) at Office of Transportation Cooperatives (OTC) kaugnay ng hindi awtorisadong paggamit ng mga opisyal na logo ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan.
Batay sa inilabas na abiso ng OTC sa publiko partikular sa mga Transport Service Cooperatives, ang sinumang mapatutunayang lumabag ay maaring maharap sa parusang pagkakakulong ng hangang higit isang taon sa ilalim ng revised penal code.
Muling nagpaalala ang OTC sa mga kooperatiba na gumamit lamang ng mga mga awtorisadong logo na nakasaad sa OTC Board Resolution No. 2014-01-05.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.