Number coding, suspendido bukas, Apr. 9 – MMDA

Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa bukas, April 9.

Ayon sa MMDA, ito ay dahil ginugunita bukas ang Araw ng Kagitingan na isang regular holiday.

Kasabay nito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhin ng maaga ang pagbiyahe para sa holiday at inaasahang pagbabakasyon sa susunod na linggo.

Inaasahan ding mag-aanunsyo ng suspensyon ng number coding ang Makati traffic para sa lungsod.

Read more...