LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 8

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2019 - 08:11 AM

Malaki-laki ang nabawas sa antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, Apr. 8 nasa 189.52 meters ang water level sa Angat dam.

Nabawasan ito ng .69 meters mula sa 190.21 meters na water level nito kahapon, Apr. 7.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.48 meters ang water level, bumaba mula sa 68.50 meters na water level nito kahapon.

Bumaba din ang water level sa iba pang dam sa Luzon.

Ayon sa PAGASA Hydrology DIvision, posibleng sa huling bahagi ng Abril o sa unang linggo ng Mayo ay umabot sa low level na 180 meters ang water level sa Angat.

Gayunman, hindi ito dapat ikabahala dahil sasapat pa naman ang suplay ng tubig para sa domestic use sa Metro Manila.

TAGS: Angat Dam, dam status, la mesa dam, Pagasa, water level, weather, Angat Dam, dam status, la mesa dam, Pagasa, water level, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.