Ang turistang si Kimberly Sue Endecott, 35 anyos ay dinukot ng mga armadong lalaki sa Queen Elizabeth National Park malapit sa border ng DR Congo nuong Apr. 4.
Nag-demand ng $500,000 na ransom ang mga kidnapper para sa kaniyang paglaya.
Ayon sa pahayag ng Uganda military, maayos ang kundisyon ng biktima nang ito ay mailigtas.
Nailigtas din ang driver na si Jean Paul habang nakatakas naman ang mga suspek.
Pinaniniwalaang ang mga suspek ay kasapi ng anti-Kampala rebel group.
MOST READ
LATEST STORIES