40 bricks ng hinihinalang cocaine natagpuan sa Surigao Del Norte

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2019 - 07:53 AM

CREDIT: PRO 13
Aabot sa 40 bricks ng hinihinalang cocaine ang natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Burgos, Surigao Del Norte.

Sa ulat ng Caraga Regional police, ang mga cocaine ay natuklasan ng mga mangingisda sa lugar, alas 4:30 ng hapon ng Linggo, Apr. 7.

Agad itong iniulat ng mga mangingisda sa mga pulis dahilan para magsagawa ng inspeksyon sa lugar ang mga tauhan ng Burgos municipal police.

Ang mga bricks ay may markang “Bugatti” na kapareho ng na-recover na cocaine sa Barnagay Pacifico, bayan ng San Isidro sa nasabing lalawigan.

Dinala sa Burgos police station ang mga hinihinalang cocaine at isasailalim sa pagsusuri ng crime laboratory office.

TAGS: Burgos, cocaine bricks, drugs, police regional office 13, surigao del norte, suspected cocaine, War on drugs, Burgos, cocaine bricks, drugs, police regional office 13, surigao del norte, suspected cocaine, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.