Heat Index sa Metro Manila maaring pumalo ng hanggang 38 degrees Celsius ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2019 - 07:45 AM

AP Photo
Aabot sa hanggang 38 degrees Celsius ang heat index ngayong araw (Apr. 8) sa Metro Manila.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, aabot kasi sa 35 degrees Celsius ang maximum na temperatura sa Metro Manila.

Dahil dito, posibleng pumalo sa 38 degrees Celsius ang heat index o ang alinsangan na ramdam ng katawan ng tao.

Mararamdaman ito sa pagitan ng ala 1:00 ng hapon at alas 4:00 ng hapon.

Dahil ditto, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na kung wala namang importanteng gagawin ay manatili sa loob ng mga ganitong oras at iwasan ang paglabas-labas.

Kahapon, araw ng Linggo, (April 7) ang Tuguegarao ang nakapagtala ng pinakamainit na temperatura na umabot sa 36 degrees Celsius.

35.9 degrees Celsius naman ang naitala sa Catbalogan City at 35.6 degrees Celsius ang naitala sa San Jose, Occidental Mindoro at Cotabato City.

TAGS: dry season, heat index, Metro Manila, Pagasa, weather, dry season, heat index, Metro Manila, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.