Hindi pa pinal ang desisyon ni People’s Champ Manny Pacquiao kaugnay sa kanyang political career para sa 2016.
Sinabi ng kinatawan ng lalawigan ng Saranggani sa kongreso na bukod sa pagtakbo bilang senador ay bukas din ang kanyang opsyon sa pagkandidato bilang Gobernador.
Bagama’t napapabilang sya sa hanay ng oposisyon, sinabi ni Pacman na nananatiling bukas ang kanyang pintuan sa pakikipag-alyansa sa ibang partido kabilang na ang ruling party na Liberal.
Samantala, sa kaniyang pagbisita sa Philippine Daily Inquirer, Miyerkules ng gabi, nagpa-unlak ng selfie at autograph si Pacquiao kasabay ng kanyang pagdalo sa isang simpleng selebrasyon sa main building ng PDI.
Nagpasalamat din si Pacman sa magandang multi-platform coverage ng Inquirer Group of Companies sa kanilang bakbakan ni Floyd Mayweather Jr. noong Mayo.
Ginamit din ni Pacquiao ang naturang pagkakataon para pasalamatan ang kanyang mga taga-suporta kasabay ng pagbabahagi ng kwento ng kanyang naging buhay mula sa kahirapan tungo sa tagumpay.
Bukod sa pagsisikap sinabi pa ni Pacquiao na hindi natin dapat isa-isang tabi ang bisa ng panalangin na ayon sa kanya ay sikreto ng kanyang magandang buhay. / Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.