LPA binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Mindanao
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ang LPA ay huling namataan sa 900 kilometers East ng Davao City.
Dahil sa trough o buntot ng nasabing LPA ay makararanas ng kalat-kalat nap ag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas at Mindanao.
Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas pa rin ng maalinsangang panahon dahil sa Easterlies at magkakaroon lamang ng
isolated na pag-ulan.
Kahapon ayon sa Pagasa, ang maximum temperature na naitala kahapon sa Pagasa Science Garden sa Quezon City ay 34.6 degrees Celsius. Ang heat index naman ay umabot ng 37.7 degrees Celsius.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.