Ayon sa Quezon City Fire Bureau, nagsimula ang sunog alas 3:30 ng madaling araw, Lunes (Apr. 8).
Natupok ang 26 na bahay sa bahagi ng Ermin Garcia Street sa Brgy. E. Rodriguez.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naideklarang fire out alas 4:44 ng umaga.
Inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian at kung ano ang pinagmulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES