Celine Dion pinawi ang mga pangamba tungkol sa kanyang kalusugan

By Rhommel Balasbas April 08, 2019 - 12:12 AM

AP Photo

Matapos lumabas ang ilang mga larawan kung saan makikita na siya ay mas payat, pinawi ng pop diva na si Celine Dion ang mga pangambang may problema sa kanyang kalusugan.

Sa panayam sa ‘Good Morning America’, iginiit ni Celine na kahit siya ay mas payat na sa nakasanayan ay wala namang problema.

“I’m thin… I’m kind, too, you know? It’s true that I’m a little thinner. But everything’s fine, nothing’s wrong”, ani Celine.

Para sa kanya ay mas malakas siya at mas maganda sa ngayon.

Giit pa ng singing-superstar, wala na siyang kailangang patunayan sa industriya, sa kanyang pamilya at mga kaibigan dahil nagawa na niya ito sa nakalipas na mga taon.

Sinabi naman ni Celine na lubha siyang ‘in love’ ngayon pero hindi sa romantikong paraan.

Makakita man lamang anya siya ng bahaghari o hindi kaya ay isang magandang dance number ay iba;t ibang emosyon ang kanyang nararamdaman.

TAGS: Celine Dion, Radyo Inquirer, Celine Dion, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.