Matapos ang kakarampot na rollback noong nakaraang linggo ay isa namang oil price hike ang sasalubong sa mga motorista ngayong linggo.
Ayon sa oil industry sources, ang gasolina at kerosene ay may P0.15 hanggang P0.25 kada litro na dagdag-presyo.
Ang presyo naman ng diesel ay tataas ng P0.10 hanggang P0.20 kada litro.
Ang price adjustments sa petrolyo ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.
Inaasahang mag-aanunsyo na ng kanilang oil price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.