Sa talumpati sa Iloilo City noong Sabado, dismayado ang pangulo sa patuloy na korapsyon sa gobyerno.
Sinabi ng presidente na pagbalik niya sa Maynila ay sisibakin niya ang ilan pang opisyal na sangkot sa pangungurakot.
“Every table in government… it’s greed and there’s always a monkey wrench. Every table ‘yan kung magdaan corruption. Kaya ako pagbalik ko tomorrow, I’ll be firing a lot of people simply for corruption,” ani Duterte.
Hindi naman pinangalanan ng punong ehekutibo ang mga sisibaking opisyal ngunit iginiit nito na mapag-iiwanan ang Pilipinas ng mga kapitbahay na bansa sakaling hindi mahinto ang korapsyon.
Paliwanag ng presidente, nagaganap ang korapsyon sa matagal na proseso at pagpapabalik-balik sa mga tao para sa mga lisensya, dokumento at permits.