Iniuugnay si Yang ng dismissed police official na si Eduardo Acierto sa drug trade.
Sa kanyang talumpati sa Iloilo City, sinabi ni Duterte na noong 1988 ay nagpunta sa kanya si Yang sa Davao para magsimula ng negosyo.
“‘Yang Michael Yang na ‘yan, I can vouch for him because he was in Davao way back in 1988. Pumunta siya sa akin, lahat naman pumupunta ng mayor eh,” ani Duterte.
Si Yang na nagmamay-ari ng isang shopping center ay hindi anya nasangkot sa kalakalan ng droga.
Ang pagdepensa ni Duterte kay Yang ay isang araw matapos akusahan ni Acierto ang pangulo kasama sina senatorial candidates Bong Go, Bato Dela Rosa at PDEA director General Aaron Aquino sa pagprotekta sa umanoy’ grupo ni Yang.
Mayroong video na iprinisenta ang dismissed police official sa media tungkol sa umano’y pagproteka kay Yang.
Mariin itong itinanggi ni Duterte at sinabing ang mga akusasyon ni Acierto kabilang ang pagbabayad niya ng P5 milyon para sa isang operasyon ay gawa-gawang kwento lamang.