Ang resolusyon ay inihain ng Democrats senators na sina Chris Coons, Ed Markey, Dick Durbin at Republicans na sina Marco Rubio at Marsha Blackburn.
Dapat umanong ikonsidera si De Lima bilang ‘prisoner of conscience’ na anilay ikinulong lang dahil sa mga pananaw nito sa gobyerno at pagpapahayag ng kanyang mga saloobin.
Si De Lima ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame simula noong February 2017 at inaakusahang nagpabaya sa pag-usbong ng drug trade sa New Bilibid Prison noong termino niya bilang Justice secretary.
Samantala, kinondena rin ng mga senador ang extra judicial killing sa Pilipinas sa ilalim ng war on drugs.
Ipinanawagan din ang pagbasura sa mga kasong inihain laban kay Rappler CEO Maria Ressa.