US senators naghain ng resolusyon para himukin ang gobyerno na palayain si De Lima

By Rhommel Balasbas April 08, 2019 - 02:30 AM

Isang resolusyon ang inihain sa Estados Unidos para kondenahin ang patuloy na pagkakakulong kay Senadora Leila De Lima kasabay ang panawagan na palayain ito.

Ang resolusyon ay inihain ng Democrats senators na sina Chris Coons, Ed Markey, Dick Durbin at Republicans na sina Marco Rubio at Marsha Blackburn.

Dapat umanong ikonsidera si De Lima bilang ‘prisoner of conscience’ na anilay ikinulong lang dahil sa mga pananaw nito sa gobyerno at pagpapahayag ng kanyang mga saloobin.

Si De Lima ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame simula noong February 2017 at inaakusahang nagpabaya sa pag-usbong ng drug trade sa New Bilibid Prison noong termino niya bilang Justice secretary.

Samantala, kinondena rin ng mga senador ang extra judicial killing sa Pilipinas sa ilalim ng war on drugs.

Ipinanawagan din ang pagbasura sa mga kasong inihain laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

TAGS: Free Leila de Lima, Senadora Leila De Lima, US senators, Free Leila de Lima, Senadora Leila De Lima, US senators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.