Bloke ng cocaine natagpuan sa katubigan ng Romania

By Rhommel Balasbas April 08, 2019 - 03:08 AM

Nagsasagawa ngayon ng papapatrolya ang Romanian police sa kanilang mga karagatan matapos matagpuan ang kilo-kilo ng cocaine.

Noong Biyernes, nasamsam ang nasa 130 kilo ng cocaine sa iba’t ibang bahagi ng Black Sea.

Dahil dito, nagdeploy ang gobyerno ng 300 officers at 14 na coastguard ships para bantayan ang coastline.

Mayroon ding dalawang helicopters, mga bangka at divers ang inutusan sa seach operations.

Nag-abiso ang pulisya sa publiko na huwag bubuksan ang mga mamamataang parcels ng droga.

Ang Romania ay sinasabing bahagi ng drug transit route na nagkokonekta sa Latin America at Europe.

Ang mga paketeng nasamsam nitong Biyernes ay hinihinalang bahagi ng shipment ng isang toneladang cocaine na natagpuan sa isang abandonadong barko dalawang linggo ang nakalilipas.

Dalawang Serbian na ang naaresto na sinasabing may kaugnayan sa pagkakadiskubre sa mga droga.

TAGS: 130 kilos of cocaine, black sea, Romania, 130 kilos of cocaine, black sea, Romania

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.