Higit P3.5M halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Maynila

By Rhommel Balasbas April 08, 2019 - 04:44 AM

Nasabat ang higit P3.5 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng NCRPO- Regional Drug Enforcement Unit, Sampaloc Police at PDEA-NCR sa isang apartment unit sa Brgy. 484, Sampaloc, Maynila madaling araw ng Lunes.

Sa impormasyon mula sa Sampaloc Police, naaresto ang tatlong suspek na nakilalang sina Porferio Pementera, Orlando Naguinlin at Joseph Dela Cruz na isang baranggay tanod.

Nakuha mula sa tatlo ang 89 na iba’t ibang laki ng plastic sachet ng shabu na may timbang na 516 grams, samu’t saring drug paraphernalia, isang kalibre .22 na revolver at isang hand held radio.

Pawang miyembro ang mga suspek ng Pementera Criminal Gang na sangkot sa pagtutulak ng droga sa Maynila at Quezon City.

Ayon pa sa pulisya, konektado ang mga suspek sa grupo ng mga local politicians at ninja cops na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek partikular ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, manila, NCR-RDEU, PDEA-NCR, Pementera Criminal Gang, Sampaloc Police, buy bust operation, manila, NCR-RDEU, PDEA-NCR, Pementera Criminal Gang, Sampaloc Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.