Rain or Shine pinataob ang NorthPort, pasok na sa semis
Wagi ang Rain or Shine kontra Northport sa iskor na 91-85 sa kanilang laban kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup.
Dahil dito, ang 2nd ranking na koponan ay pasok na sa semifinals.
Nagtala ng 37 puntos sina Ed Daquioag, Rey Nambatac at Jayvee Mocon para bigyan ng double-digit lead sa second quarter ang Elasto Painters at hindi na nagpagiba pa.
Aminado si ROS head coach Caloy Garcia na bago magsimula ang laban ay kabado siya sa first quarter dahil halos tatlong linggong hindi naglaro ang kanyang koponan.
Dahil dito, sinabihan niya ang kanyang mga manlalaro na sa kahit anong oras ay kailangan nilang umabante.
Naging mahirap nga sa Rain or Shine ang first quarter kung saan natapos ang laro sa iskor na 14-17 pabor sa NorthPort.
Gayunman, hindi rin ito nagtagal matapos magpakitang gilas si Nambatac at tuluyang lumamang ang ROS.
Nanguna para sa Elasto Painters sina Daquioag at Nambatac na may 15 at 14 points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.