‘Poe hindi na dapat manisi ng iba’-Roxas

grace marPinayuhan ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas si Sen. Grace Poe na itigil na ang paninisi sa iba kaugnay sa mga kinakaharap niyang kaso ng diskwalipikasyon.

Ito’y matapos akusahan ni Poe si Roxas na posibleng nasa likod ng mga kasong inihahain laban sa kaniya para mabulilyaso ang kaniyang kandidatura.

Giit ni Roxas, ni hindi niya nga kilala ang mga abogadong naghain ng mga kaso laban kay Poe, kaya payo niya sa senadora ay sagutin na lamang ang mga ito imbis na manisi pa ng iba.

Naiintindihan naman niya aniya ang nararamdaman ni Poe, pero nilinaw na wala talaga siyang kinalaman sa mga balakid na kinakakaharap nito sa kaniyang pagtakbo bilang presidente ng bansa.

Read more...