Isinailalim na sa state of calamity ang Barangay Santa Clara sa Batangas City dahil sa sumiklab na sunog.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Council head Rod Dela Rosa, mahigit 100 kabahayan kung saan 421 pamilya ang apektado ng sunog sa isang residential area sa likurang bahagi ng terminal building ng Batangas Port.
Sa pahayag ng ilang saksi, faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.
Naging mabilis anila ang pagkalat ng apoy dahil pawang gawa sa light materials ang dikit-dikit na mga bahay.
Dahil dito, magagamit na ng lokal na pamahalaan ang emergency fund para sa mga apektadong residente sa lugar.
Pansamantala namang namamalagi ang mga residente sa Batangas City Oval.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.