DOH, mag-iinspeksyon sa Biñan, Laguna city jail
Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang Department of Health (DOH) sa kulungan sa Biñan City, Laguna.
Ito ay matapos masawi ang isang babaeng detainee dahil sa hinihinalang meningococcemia.
Ayon kay DOH Region IV-A chief Dr. Eduardo Janairo, nasawi ang 24-anyos na detainee sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, Sabado ng hapon.
Nagsagawa ang mga doktor sa RITM ng pagsusuri sa blood samples nito kung mayroon ngang menigococcemia.
Nagsimula na ring bigyan ng DOH at city health office ng oral prophylaxis ang nasa 150 bilanggo at pulis sa Biñan city jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.