Amerikano, arestado makaraang gumamit ng pekeng Philippine passport sa NAIA

By Angellic Jordan April 07, 2019 - 02:37 PM

Inquirer file photo

Arestado ang isang Amerikano matapos mahulihan ng pekeng Philippine passport sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Bureau of Immigration Port Operations Division chief Grifton Medina, nahuli ang 49-anyos na si Elmer Doller sa NAIA Terminal 3, Sabado ng umaga.

Nanggaling si Doller sa Doha, Qatar.

Ani Medina, napansin ng isang immigration officer ang pasaporte ni Doller na walang security feature at hindi ma-detect ng passport reader.

Sinabi pa umano ni Doller na balido ang kaniyang pasaporte dahil Pilipino ang kaniyang ina.

Kalaunan, inamin din ng Amerikano na nakuha lang nito ang ginamit na Philippine passport mula sa isang kaibigan sa Cavite.

Dinala si Doller sa BI Detention Facility Sa Taguig dahil sa paglabag sa immigration laws.

TAGS: Elmer Doller, NAIA, pekeng pasaporte, Elmer Doller, NAIA, pekeng pasaporte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.