Isang miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Davao del Sur

By Angellic Jordan April 07, 2019 - 02:21 PM

Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Digos City, Davao del Sur Sabado ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Rhojun Rosales, commander ng 39th IB, sumuko ang rebelde na si alyas “Ricky,” 38-anyos kasunod ng pagkasawi ng dalawang kasamahan sa sumiklab na bakbakan sa Sitio Lanan, Barangay Goma noong Biyernes, April 5.

Aniya, nagdesisyon ang rebelde na sumuko makaraang mapag-alamang nasawi ang kaniyang lider sa naganap na engkwentro na sina Roberto Castellote, umano’y commander ng Front Committee 51 ng NPA at si Lesly Pulido alyas “Camille” na sinasabing sekretarya nito.

Ani Rosales, nasa 30 rebelde ang nakasagupa ng militar sa nasabing lugar.

Binati naman ni 10th Infantry Division officer-in-charge Brig. Gen. Mario Lacurom ang tropa ng 39th IB para sa matagumpay na operasyon.

TAGS: NPA, sumuko, NPA, sumuko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.