Magsasaka, patay matapos mabangga ng bus sa Quezon

Patay ang isang 58-anyos na magsasaka matapos mabangga ng tourist bus sa Atimonan, Quezon Linggo ng madaling-umaga.

Ayon sa Atimonan police, patawid sana si Rodel Ursabia Gatmaitan sa Maharlika Highway sa bahagi ng Barangai San Isidro nang mabangga dakong 1:40 ng madaling-araw.

Naipit ang biktima sa harapang gulong ng bus dahilan para magtamo ng matinding head at body injuries.

Nasawi ang biktima habang dinadala sa Doña Marta District Hospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng bus na si Leonardo Villaroya.

Read more...