Ilang bahagi ng bansa, uulanin ngayong araw ng linggo
Umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang easterly winds.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na magiging maulap ang kalangitan na may kasamang pag-ulan sa karamihan sa mga lugar sa bansa, araw ng linggo.
Ayon sa PAGASA, ang Eastern Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang mga lugar na ito ay posibleng makaranas ng flash floods kapag magkaroon ng malalang thunderstorms.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers at thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.