Restructuring ng mga kawani ng NFA, isinasagawa dahil sa pag-iral ng Rice Tariffication law

By Ricky Brozas April 07, 2019 - 12:17 PM

Radyo Inquirer Photo

Kumikilos na ang National Food Authority (NFA) para sa posibilidad ng epekto sa kanilang mga manggagawa ng Rice Tariffication Act.

Nasa restructuring process ang ahensiya na ayon kay NFA officer-in-charge Tomas Escarez, nasa humigit-kumulang 400 na empleyado nila ang maapektuhan dulot ng pagbabagong hatid ng bagong batas.

Nakasaad kasi sa implementing rules and regulations ng Rice Tariffication Law, tatanggalin na sa ahensiya ang regulatory power ng NFA para i-oversee at i-supervise ang domestic grain industry, gayundin ang functions nito na may kaugnayan sa pag-aangkat ng bigas.

Dahil dito, ang tanging magiging trabaho na lamang ng NFA ay tiyakin na may sapat buffer stock ng bigas sa bansa.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, tatanggalin na ang quantitative restrictions sa pag-aangkat ng bigas at magpapataw na lamang ng 35-percent tariff sa mga imported rice.

Nangangahulugan lamang ito na magiging unlimited na ang importation ng bigas hanggat sa mayroong phytosanitary permit ang mga private sector trades mula sa Bureau of Plant Industry at bayaran ang 35-percent tariff sa shipments.

Samantala, tiniyak naman ni Escarez sa mga empleyado ng NFA na maapektuhan ng batas na maari silang makapag-avail ng compensation package.

TAGS: Bigas, nfa, rice tariffication law, Bigas, nfa, rice tariffication law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.