Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na sa ngayon ay hindi muna nila maaksyunan ang naturang pulitiko, sa halip ay gagawin nila ito pagkatapos ng halalan sa Mayo 13.
Sabi ni Jimenez, hahayaan na muna nila ang mga kandidato na gawin ang gusto nilang pamamaraan ng pangangampanya gamit ang internet.
Ipinunto pa ng opisyal na hindi nila trabaho na minu-minutong paalalahanan ang mga kandidato sa kung ano ang kanilang dapat gawin dahil alam naman ng mga ito ang ipinagbabawal at hindi.
Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga kandidato lalo’t sabay na nangangampanya ang mga local at national candidates.
Pinaalalahan din nito ang mga botante na i-report sa kanilang tanggapan kung ano ang mga iregularidad sa pangangampanya ng mga kandidato.