1 patay, 11 sugatan sa forest fire sa South Korea

By Len Montaño April 07, 2019 - 06:11 AM

Isa na ang napaulat na nasawi at 11 naman ang sugatan sa wildfire sa South Korea.

Nabatid na short circuit sa isang poste ng kuryente ang dahilan ng sunog.

Hindi namalayan ang sunog kaya lumaki ito at tinupok ang mahigit 25 ektarya ng lupain kabilang ang daang daang mga bahay.

Bukod sa bilang ng nasawi at nasugatan, umabot na sa level 3 ang nararanasang malawakang sunog.

Hindi na kinakaya ng mga bumbero ang malaking apoy kaya tumulong na ang ibang mga otoridad sa paglikas sa mga residente.

Unang nagdeklara ang gobyerno ng South Korea ng national disaster bunsod ng wild fire sa bansa.

TAGS: Forest fire, national disaster, poste ng kuryente, south korea, sunog, wild fire, Forest fire, national disaster, poste ng kuryente, south korea, sunog, wild fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.