Italy, kampi sa Pilipinas sa laban nito kontra China
Suportado ng Italy ang laban ng Pilipinas sa China kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III sa Italy, nakapulong niya sina President Sergio Mattarella at Prime Minister Matteo Renzi para mas pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansang kanilang pinamamahalaan.
Isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang nasabing isyu sa teritoryo, at ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sumasang-ayon ang Italy na may karapatan ang Pilipinas na malayang mag-layag sa West Philippine Sea alinsunod sa Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Samantala, bukod sa isyu ng teritoryo, napag-usapan din ng mga lider ang pagsugpo sa terorismo, kasunod ng mga sunud-sunod na pag-atakeng nagaganap sa iba’t ibang dako ng mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.