Anak nina Lj Reyes at Paolo Contis bininyagan na

By Len Montaño April 07, 2019 - 05:36 AM

Bininyagan na ang anak nina LJ Reyes at Paolo Contis kahapon araw ng Sabado.

Bago ang binyag ni Baby Summer Ayanna, nagpost si LJ ng madamdaming mensahe kauganay ng kanyang excitement sa pangyayari sa buhay ng anak.

Sinamahan ito ni LJ ng larawan nilang pamilya kasama ang partner na si Paolo at mga anak na sina Aki at Baby Summer Ayanna.

Sa post naman ni Paolo ay sinabi nito ang mga paghahanda ng kanyang anak.

Pabiro pang sinabi ng aktor na sana raw ay marami itong matanggap na regalo sa kanyang binyag.

Pati ang ID picture ng anak ay ginawan ng biro ng aktor.

Gagawa na umano si Paolo ng resume ni Baby Summer Ayanna para makapag trabaho na agad ito

TAGS: Aki, Baby Summer Ayanna, binyag, LJ Reyes, madamdamin, mensahe, pabirong mensahe, Paolo Contis, Aki, Baby Summer Ayanna, binyag, LJ Reyes, madamdamin, mensahe, pabirong mensahe, Paolo Contis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.