Yasmien Kurdi, nagtapos na magna cum laude sa kursong PolSci

Proud na nag-graduate ang aktres na si Yasmien Kurdi bilang magna cum laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University.

Kahapon araw ng Sabado ay nagmartsa si Yasmien sa kanyang graduation sa PICC.

Sa kanyang post ay sinabi ng aktres na nagpapasalamat siya at nagpapakumbaba sa kanyang pagtatapos.

Sulit anya ang lahat ng hirap niya sa kolehiyo ng maraming taon.

Pinayuhan ni Yasmien ang mga working students na huwag tumigil na abutin ang kanilang pangarap.

Dapat anyang gawin ng tao ang lahat, manatiling positibo at isipin na ang buhay ay isang learning process.

Matagal ng gusto ni Yasmien na makatapos ng pag-aaral at makikita sa ilang posts nito na maski sa set ng kanyang teleserye ay gumagawa ito ng mga school requirements.

Read more...