8 anyos na bata, construction worker patay sa pamamaril sa Caloocan

By Len Montaño April 07, 2019 - 01:18 AM

Patay matapos barilin ang isang 8 anyos na batang lalaki at isang construction worker sa basketball court sa Caloocan City Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Jaylord Cajuban, 23 anyos at ang batang si Jefferson Dimarillas, parehong residente ng Bagong Silang.

Ayon sa kapatid ni Cajuban na si Geronimo, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril habang papalabas siya ng kanilang bahay.

Nang marating niya ang basketball court ay nakita niyang nakabulagta ang kapatid at ang bata.

Binaril sa ulo sa Cajuban habanag si Dimarillas ay sa tiyan.

Dinala ang dalawa sa Jose N. Rodriguez Hospital pero idineklara na silang dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa hindi pa tukoy na baril.

Inaalam ng pulisya ang pagka-kilanlan ng 2 suspek at ang motibo sa pamamaril.

TAGS: basketball court, bata, caloocan, construction worker, dead on arrival, patay sa pamamaril, basketball court, bata, caloocan, construction worker, dead on arrival, patay sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.