DFA: Ipagpaliban muna ang pagpunta sa Libya hanggang humupa ang gulo

By Len Montaño April 06, 2019 - 11:16 PM

AFP photo

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na nakatakdang pumunta sa Libya na ipagpaliban muna ang pagpunta sa naturang bansa sa gitna ng gulo roon.

Inulit din ng DFA ang payo ng Philippine Embassy sa Tripoli sa mga Pinoy sa Libya na manatiling mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras.

Pinag-iingat ang mga Pilipino na nakatira hanggang 100-kilometer radius ng Tripoli na maging vigilant.

“The Department of Foreign Affairs is asking Filipinos in Tripoli to exercise extreme caution in view of the continuing tensions near the capital and specifically called on Filipinos living within a 100-kilometer radius of the Libyan capital to remain vigilant,” pahayag ng DFA.

Dagdag ng ahensya, para sa mga overseas Filipino workers o mga Pinoy na nagbabakasyon sa Pilipinas at nakatakdang bumalik sa Libya, dapat na ipagpaliban muna ang kanilang mga biyahe hanggang humupa na ang tensyon.

Una nang nagdeklara ng state of emergency ang mga otoridad sa Libya kasunod ng anunsyo ng Libyan National Army na umabante na ang kanilang pwersa sa Tripoli.

Nakamonitor na ngayon ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa mga gulo maski sa labas ng capital gayundin ang galaw ng mga tropa ng gobyerno.

Ayon sa DFA, nasa halos 1,000 Pilipino na nasa apektadong mga lugar ang sinabihan na tiyakin na mayroon silang sapat na pagkain at tubig at ibang pangunahing pangangailangan.

Ang mga Pinoy naman na nais magpa-repatriate para makabalik sa bansa ay pinayuhan na agad kumontak sa Philippine Embassy.

TAGS: alerto, DFA, gulo, inumin, ipagpaliban, libya, Libyan National Army, mapagmatyag, pagkain, Philippine Embassy, pinag-iingat, State of Emergency, tensyon, Tripoli, alerto, DFA, gulo, inumin, ipagpaliban, libya, Libyan National Army, mapagmatyag, pagkain, Philippine Embassy, pinag-iingat, State of Emergency, tensyon, Tripoli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.