Ginebra nakauna ng panalo vs Magnolia sa kanilang best of 3 series

PBA Images

Nakauna na ng panalo ang Barangay Ginebra sa best of 3 series quarterfinals sa PBA Philippine Cup matapos nitong ilampaso ang Magnolia Hotshots Sabado ng gabi sa score na 86-75.

Lamang ang Magnolia sa unang kwarter pero nabago ang tempo ng laro nang manaig na ang Ginebra mula sa second quarter.

Ayon kay Coach Tim Cone, maganda ang ipinakita ng kanyang mga players lalo na sa depensa.

Kabado umano si Cone hanggang huling 40 segundo ng laban kung kailan naramdaman niyang sila na nga ang nakakuha ng 1-0 lead.

Pinangunahan ni Greg Slaughter ang panalo ng Gin Kings sa ginawa nitong 15 points at 12 rebounds habang nagdagdag si Art dela Cruz ng 14 points at 3 rebounds.

Aminado si Cone na hindi garantiya ang makauna ng panalo sa serye kaya mahalaga anya ang Game 2 sa Lunes.

Sa panig naman ng Magnolia, gumawa si paul Lee ng 15 points habang si Ian Sangalang ay nagtala ng 14 points.

Read more...