Magnitude 4.8 na lindol tumama sa Davao Occidental
By Len Montaño April 06, 2019 - 10:25 PM
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental Sabado ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa bayan ng Sarangani.
Naitala ang pagyanig alas 9:57 ng gabi.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 170 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.