WATCH: Residential Area malapit sa Batangas Port nasunog

By Len Montaño April 06, 2019 - 09:58 PM

Screengrab of Oriental Mindoro PIO video

Natupok ang daang-daang kabahayan sa Barangay Sta. Clara sa likod ng Batangas Port Sabado ng gabi.

Ang nasunog ay ang likurang bahagi ng Terminal Building ng Batangas Port.

Sa Facebook live video ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro ay mapapanood ang naglalagablab na apoy.

Mapapanood sa video na nasusunog ang ilang bahay sa likod ng port area.

Nabatid na bago mag alas 6:00 ng gabi nagsimula ang sunog at naapula pasado alas 11:00 ng gabi

Iniimbestigahan ng otoridad ang pahayag ng ilang saksi na faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Walang naiulat na nasaktan at patuloy na inaalam ang halaga ng naabong mga ari-arian.

TAGS: Batangas Port, faulty electrical wiring, kabahayan, natupok, residential area, sunog, Terminal Building, Batangas Port, faulty electrical wiring, kabahayan, natupok, residential area, sunog, Terminal Building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.