Babaeng detainee sa Laguna pinaniniwalaang namatay sa Meningococcemia

By Den Macaranas April 06, 2019 - 07:46 PM

Namatay ang isang babaeng detainee sa Biñan, Laguna dahil sa hinihinalang Meningococcemia.

Kaugnay nito ay pansamantalang isinara sa mga bisita ang lahat ng pasilidad sa kulungan sa nasabing bayan simula kanilang umaga.

Ang nasabing detainee na 23-anyos na babae ay isinugod sa ospital kaninang madaling araw makaraang kakitaan ng sintomas ng nasabing uri ng sakit.

Biyernes ng madaling araw ng maaresto ang nasabing pasyente dahil sa illegal gambling.

Sinabi ng mga duktor sa Biñan Community Hospital na kamukha ng sintomas Meningococcemia ang kanilang nakita sa biktima kaya kaagad nila itong inilipat sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Makalipas ang ilang oras ay namatay ang biktima pero hindi pa kinukumpirma ng mga duktor ng Department of Health kung ano ang cause of death ng nasabing detainee.

Ang isang tao na may Meningococcal infection ay dumaranas ng mataas na ligtas, matinding pananakit ng ulo, pagkahilo, rashes, pagiging tuliro at pananakit ng buong katawan.

Mabilis itong makahawa sa pamamagitan ng laway o anumang uri ng body fluids.

Kaugnay nito ay kaagad na binigyan ng gamot ang lahat ng mga detainees at pulis na naka-assign sa Police Community Precinct 3 kung saan nakulong ang biktima.

TAGS: Biñan, detainee, illegal gambling, laguna, meningococcemia, Biñan, detainee, illegal gambling, laguna, meningococcemia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.