4 miyembro ng Parojinog Group napatay sa Cebu

By Jimmy Tamayo April 06, 2019 - 02:48 PM

Inquirer file photo

Patay ang apat na miyembro ng drug syndicate na may kaugnayan sa Parojinog group sa magkahiwalay na operasyon sa Mandaue city, Cebu Biyernes ng gabi.

Unang napatay ang isang Jessie Parojinog, alyas Oyong na nabaril ng mga pulis sa Barangay Tingub makaraang magpaputok ng baril habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

Isinugod pa ng ospital ang suspek pero hindi na umabot ng buhay.

Nakatakas naman ang isa pang kasama nito.

Napatay naman sina Henry Labajo at Eduard Baliling sa isang police operation sa Barangay Looc.

Isinisilbi din sa dalawa ang warrant of arrest nang manlaban ang mga ito dahilan para gantihan sila ng putok ng mga pulis.

Samantala, pinagbabaril naman ng mga salarin na sakay ng motorsiklo ang isang Danilo Parojinog.

Ayon kay Police Major Mercy Villaro, tagapagsalita ng Mandaue City Police Office, ang mga napatay ay miyembro ng isang grupo na bahagi ng Parojinog group at nag-ooperate sa Ozamis City.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa iba pang miyembro ng nasabing grupo.

TAGS: cebu, drugs, ozamis city, parojinog, cebu, drugs, ozamis city, parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.