ICC biased na sa simula pa lamang ayon sa Malacañang
Muling nanindigan ang Malacañang na hindi pwedeng papanagutin ng International Criminal Court (ICC) sa mga gawa-gawang kaso si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sagot ito ng palasyo sa pahayag ng ICC na nagsimula na ang preliminary investigation para sa mga inihaing kaso laban sa pangulo partikular na sa war on drugs ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi pwedeng igiit ng ICC ang Article 127 of the Rome Statute.
Nakasaad sa nasabing probisyon na sakop pa rin ng ICC ang mga kasong naganap noong kasapi pa nila ng isang estado o bansa.
Ipinaliwanag ni Panelo na hindi naman malinaw na naging kasapi ng ICC ang Pilipinas dahil sa ilang aspeto tulad na lamang ng kabiguang maratipikahan ito ng pamahalaan.
Ayon pa kay Panelo, “Legal realities, however, dictate that we never became part of the jurisdiction of the ICC, thus revealing that the present actions of the ICC are not only baseless but tainted with political motivation.”
Sinabi rin ng kalihim na maging ang mayorya ng mga Pinoy ay hindi sang-ayon sa pakikialam ng ICC sa mga gawain ng pamahalaan.
Sa simula pa lamang kasi ay biased na ito at halatang nagpapagamit lang sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon.
“With the biased and preconceived actions of the ICC, we cannot blame the Filipino people for thinking that it has taken a politically-motivated obnoxious path aimed at maligning not just this Administration but the very Republic of the Philippines,” dagdag pa ng opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.