NCR isasailalim sa full-alert status simula sa Lunes

By Jimmy Tamayo April 06, 2019 - 10:31 AM

Inquirer file photo

Itataas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila simula sa susunod na linggo.

Mula sa heightened alert, Sinabi ni NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar na iaakyat ito sa full alert dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa ibat-ibang transport terminals sa Metro Manila kasabay ng Semana Santa.

Ayon kay Eleazar magtatalaga din sila ng dagdag na tauhan sa mga bus terminals, train stations, airports,  seaports maging sa LRT at MRT stations.

Inaasahan na ang pagdagsa ng mga tao sa naturang mga transport terminals para sa mga uuwi sa iba’t ibang probinsya sa mahal na araw.

Ang Holy week ay magsisimula sa linggo ng palaspas sa April 14 at matatapos sa April 21.

Ang Huwebes Santo (April18) at Biyernes Santo (April 19) ay pawang mga regular holidays habang ang Black Saturday (April 20) ay isang special non-working holiday.

Nangangahulugan ito na kanselado ang lahat ng leave of absence ng mga PNP personnel sa buong Metro Manila.

TAGS: eleazar, full alert, Holy Week, LRT, MRT, NCRPO, PNP, eleazar, full alert, Holy Week, LRT, MRT, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.