Bangkay na natagpuan sa Cavite hindi ang dinukot na si Allan Fajardo

By Jimmy Tamayo April 06, 2019 - 09:41 AM

file photo

Hindi ang nawawalang negosyante na si Allan Fajardo ang natagpuang bangkay sa Dasmariñas Cavite.

Sinabi ng kapatid ni Fajardo na si Christy Fajardo- Maranan na malayo sa itsura ng nawawalang negosyante ang bangkay na nakita kahapon sa naturang lugar.

Base pagkakakilala ni Maranan, matangkad ang nakitang katawan na tinatayang nasa 5’7” hanggang 5’8” gayung nasa 5’2” hanggang 5’3” lang ang kanyang kapatid.

Sa kabila nito, sinabi ni Dasmarinas Police Chief,  Police Lieutenant Colonel Nerwin Monterey Ricohermoso na isasailalim pa rin sa eksaminasyon ang bangkay para alamin ang pagkakakilanlan nito.

Si Fajardo na dating tauhan ng napaslang na si Tanauan, Batangas Mayor Thony Halili ay napaulat na nawawala at dinukot noong Huwebes sa Sta. Rosa Laguna.

Kasamang tinangay ay ang driver ng negosyante na si Ricky Atienza.

Nauna na ring nag-alok ng P1 Million pabuya ang pamilya Fajardo para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng negosyante.

TAGS: Abduction, allan fajardo, antonio halili, cavite, Dasmariñas, maranan, PNP, Sta. Rosa, tanuan, Abduction, allan fajardo, antonio halili, cavite, Dasmariñas, maranan, PNP, Sta. Rosa, tanuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.