Itatalaga bilang bagong pinuno ng World Bank si David Malpass na dating senior US Treasury official ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Si Malpass ay dati na ring miyembro ng board ng World Bank.
Magsisimula sa Martes sa susunod na linggo ay five-year term ni Malpass makaraan niyang palitan ang nagresign na si dating World Bank President Jim Yong Kim na tumagal lamang ng halos ay tatlong taon sa pwesto.
Nauna dito ay inulan ng batikos ang nominasyon ni Trump kay Malpass lalo’t kilala ang nasabing 63-anyos na treasury official sa kanyang mga puna sa international affairs ng ilang global financial institutions.
Sinabi ni Malpass na maraming mga bangko sa daigdig ang masyadong mabait sa kanilang mga transakyon sa China.
Bago ang kanyang pag-upo sa pwesto sa susunod na linggo ay sinabi ni Malpass na isa sa kanyang magiging misyon ay ang pagtulong sa mga mahihirap na bansa sa pamamagitan ng tamang loan agreement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.