Mahinang El Niño pabor sa mga mangingisda ayon sa BFAR

By Den Macaranas April 06, 2019 - 09:09 AM

Inquirer file photo

Imbes na pangambahan nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mas makabubuti pa sa pangkalahatan ang mahinang El Niño sa bansa.

Sinabi ni BFAR director Eduardo Gongona na ito ay dahil mas kakaunti ang mararanasang bagyo ng bansa sa tuwing may El Niño.

Nangangahulugan ito ayon sa opisyal na mas maraming panahon na makapanghuli ng isda ang mga mangisngisda dahil sa limitado lamang ang mga bagyo.

Sa mga ganitong panahon rin anya ay mas dumarami ang mga isda sa karagatan  dahil hindi sila nabubulabog ng mga sama ng panahon.

Sa ulat ng Department of Agriculture, umakyat na sa higit sa P4 Billion ang pinsala ng El Niño sa agrikultura kasama na dito ang mga nasirang pananim at naapektuhang livestocks at ilang palaisdaan na natuyo.

Basta’t hindi rin naman susobra sa 33 degrees celsius ang init sa karagatan ay hindi ito makaka-apekto sa mga isda ayon pa sa pinuno ng BFAR.

Sinabi rin ni Gongona na base sa kanilang monitoring sa mga nakalipas na araw ay patuloy ang pagbaba sa presyo ng Tilapia at Bangus sa mga pamilihan lalo’t nasabay pa ito sa peak season.

TAGS: BFAR, BUsiness, Cyclone, El Niño, fish, gongona, BFAR, BUsiness, Cyclone, El Niño, fish, gongona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.